Halos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon doon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tagatanod niyon: “Wala bang pumunta sa inyo na isang mapagbabala [na isang sugo mula kay Allāh]?” Al-Mulk 67:8 ⧉
Tafsīr:
Halos nakakalas ang ibang bahagi niyon sa iba pa at nagkakapira-piraso sa tindi ng galit niyon sa sinumang pumapasok doon. Tuwing nakapagbato roon ng isang pangkat ng mga maninirahan doon na mga tagatangging sumampalataya ay magtatanong sa kanila ang mga anghel na itinalaga roon ng isang tanong ng panunumbat: "Wala bang pumunta sa inyo sa Mundo na isang sugo na nagpapangamba sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh?"