Hinggil naman sa bibigyan ng talaan niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya: “O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ko Al-Ḥāqqah 69:25 ⧉
Tafsīr:
Tungkol naman sa bibigyan ng talaan ng mga gawa niya sa kaliwang kamay niya, magsasabi siya dahil sa tindi ng pagsisisi: "O kung sana ako ay hindi binigyan ng talaan ng mga gawa ko dahil sa taglay nito na mga gawang masagwa na nag-oobliga ng pagdulot ng pagdurusa sa akin.