Nagpataw Siya nito sa kanila ng pitong gabi at walong araw na magkakasunod, kaya makakikita ka sa mga tao roon na mga nakabuwal na para bang sila ay mga tuod ng punong datiles na hungkag. Al-Ḥāqqah 69:7 ⧉
Tafsīr:
Nagpadala nito si Allāh sa kanila sa loob ng pitong gabi at walong araw na lumilipol sa kanila nang lahat-lahat. Kaya makakikita ka sa mga tao sa mga tahanan nila na mga napahamak na ibinuwal sa lupa. Para bang sila, matapos ng pagpapahamak sa kanila, ay mga puno ng datiles na bumagsak sa lupa, na nabubulok.