Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 103 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 103 sa 206 • Tagalog


ثُمَّ بَعَثْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَظَلَمُوا بِهَا ۖ فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُفْسِدِينَ 103
Pagsasalin:
Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na nila, kay Moises kalakip ng mga tanda Namin patungo kay Paraon at sa konseho nito, ngunit lumabag sila sa katarungan sa mga ito kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali. Al-A‘rāf 7:103
Tafsīr:
Pagkatapos nagsugo Kami, matapos ng mga sugong iyon, kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kalakip ng mga katwiran Namin at mga patunay Naming malinaw sa katapatan niya patungo kay Paraon at sa mga tao nito. Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagkaila sila sa mga tandang ito at tumangging sumampalataya sa mga ito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ni Paraon at ng mga tao nito sapagkat ipinahamak nga sila ni Allāh sa pamamagitan ng paglunod at pinasundan Niya sila ng sumpa sa Mundo at Kabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 102 Susunod Al-A‘rāf • Talata 104