Dumating ang mga manggagaway kay Paraon. Nagsabi sila: “Tunay na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay ang mga tagapanaig.” Al-A‘rāf 7:113 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagpadala si Paraon ng mga magtitipon ng mga manggagaway. Noong dumating ang mga manggagaway kay Paraon ay nagtanong sila rito kung mayroon ba silang gantimpala kung madadaig nila si Moises sa pamamagitan ng panggagaway nila at magwawagi sila laban sa kanya."