Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 117 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 117 sa 206 • Tagalog


وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَإِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ 117
Pagsasalin:
Nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Pumukol ka ng tungkod mo,” kaya biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila. Al-A‘rāf 7:117
Tafsīr:
Nagkasi si Allāh sa propeta Niya at kausap Niyang si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Magtapon ka, O Moises, ng tungkod mo," kaya itinapon niya ito saka nagbagong-anyo ang tungkod na naging isang ahas na lumululon sa mga lubid nila at mga tungkod nila, na dati nilang ginagamit sa pagbaliktad sa mga reyalidad at sa pagpapaakala sa mga tao na ang mga ito ay mga ahas na gumagapang.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 116 Susunod Al-A‘rāf • Talata 118