Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 123 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 123 sa 206 • Tagalog


قَالَ فِرْعَوْنُ آمَنْتُمْ بِهِ قَبْلَ أَنْ آذَنَ لَكُمْ ۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكْرٌ مَكَرْتُمُوهُ فِي الْمَدِينَةِ لِتُخْرِجُوا مِنْهَا أَهْلَهَا ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ 123
Pagsasalin:
Nagsabi si Paraon: “Sumampalataya kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na ito ay talagang isang pakana na nagpakana kayo nito sa lungsod upang magpalabas kayo mula rito ng mga naninirahan dito, kaya malalaman ninyo. Al-A‘rāf 7:123
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila si Paraon habang nagbabanta sa kanila matapos ng pagsampalataya nila kay Allāh lamang: "Naniwala kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na ang pananampalataya ninyo sa kanya at ang paniniwala ninyo sa inihatid niya ay talagang isang panlilinlang at pakanang ipinanlalang ninyo mismo at ni Moises para sa pagpapalabas sa mga naninirahan sa lungsod mula rito. Kaya malalaman ninyo, O mga manggagaway, ang dadapo sa inyo na parusa at ang tatama sa inyo na parusang panghalimbawa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 122 Susunod Al-A‘rāf • Talata 124