Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 129 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 129 sa 206 • Tagalog


قَالُوا أُوذِينَا مِنْ قَبْلِ أَنْ تَأْتِيَنَا وَمِنْ بَعْدِ مَا جِئْتَنَا ۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُهْلِكَ عَدُوَّكُمْ وَيَسْتَخْلِفَكُمْ فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرَ كَيْفَ تَعْمَلُونَ 129
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Sinaktan kami bago ka pa pumunta sa amin at matapos na dumating ka sa amin.” Nagsabi siya: “Marahil ang Panginoon ninyo ay magpasawi sa kaaway ninyo at magpahalili sa inyo sa lupain para makakita Siya kung papaano kayong gumagawa.” Al-A‘rāf 7:129
Tafsīr:
Nagsabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga kalipi ni Moises kabilang sa mga anak ni Israel: "O Moises, sinulit kami sa kamay ni Paraon sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaking anak namin at pagpapanatiling-buhay sa mga kababaihan namin bago pa ng pagdating mo sa amin at nang matapos niyon." Nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagpapayo sa kanila at nagbabalita ng nakalulugod hinggil sa pagpapaginhawa: "Marahil ang Panginoon ninyo ay magpapahamak sa kaaway ninyong si Paraon at mga tao niya, at magpapatatag sa inyo sa lupain matapos nila para tumingin Siya sa gagawin ninyo, matapos niyon, na pagkilala o pagtanggi sa utang na loob."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 128 Susunod Al-A‘rāf • Talata 130