Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 13 sa 206 • Tagalog


قَالَ فَاهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَنْ تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَاخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ الصَّاغِرِينَ 13
Pagsasalin:
Nagsabi Siya: “Kaya lumapag ka mula rito sapagkat hindi nagiging ukol sa iyo na magpakamalaki rito. Kaya lumabas ka; tunay na ikaw ay kabilang sa mga nanliliit.” Al-A‘rāf 7:13
Tafsīr:
Nagsabi si Allāh dito: "Lumapag ka mula sa Paraiso sapagkat hindi ukol sa iyo na magpakamalaki rito dahil ito ay tahanan ng mga kaaya-ayang dalisay kaya hindi ipinahihintulot sa iyo na ikaw ay maging nasa loob nito. Tunay na ikaw, O Satanas, ay kabilang sa mga kahamak-hamak na kaaba-aba, kahit pa ikaw ay nagtuturing sa sarili mo na ikaw ay higit na marangal kaysa kay Adan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 12 Susunod Al-A‘rāf • Talata 14