Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 131 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 131 sa 206 • Tagalog


فَإِذَا جَاءَتْهُمُ الْحَسَنَةُ قَالُوا لَنَا هَٰذِهِ ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَطَّيَّرُوا بِمُوسَىٰ وَمَنْ مَعَهُ ۗ أَلَا إِنَّمَا طَائِرُهُمْ عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 131
Pagsasalin:
Ngunit noong dumating sa kanila ang maganda ay nagsabi sila: “Ukol sa atin ito.” Kung may tatama sa kanila na isang masagwa ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya. Pansinin, tanging ang kamalasang inuugnay nila ay nasa ganang kay Allāh subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. Al-A‘rāf 7:131
Tafsīr:
Ngunit kapag dumating sa angkan ni Paraon ang kasaganahan, ang kaayusan ng mga bunga, at ang kamurahan ng mga halaga ay nagsasabi sila: "Ibinigay sa amin ito dahil sa pagiging karapat-dapat namin para rito at sa pagkanauukol sa amin nito." Kung may umabot sa kanila o tumama sa kanila na isang kapahamakan gaya ng tagtuyot, kawalang-ulan, dami ng mga sakit, at iba pa rito na mga kalamidad, nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama niya kabilang sa mga anak ni Israel. Ang totoo ay na ang anumang tumatama sa kanila mula roon sa kalahatan niyon ay dahil sa isang pagtatakda lamang mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Sila at si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay walang kinalaman doon maliban sa bahagi ng panalangin ni Moises laban sa kanila, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam kaya nag-uugnay sila niyon sa iba pa kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 130 Susunod Al-A‘rāf • Talata 132