Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 134 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 134 sa 206 • Tagalog


وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ الرِّجْزُ قَالُوا يَا مُوسَى ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ ۖ لَئِنْ كَشَفْتَ عَنَّا الرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِي إِسْرَائِيلَ 134
Pagsasalin:
Noong bumagsak sa kanila ang pasakit ay nagsabi sila: “O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa ganang iyo. Talagang kung nagpawi ka sa amin ng pasakit ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo at talagang magpapadala nga kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel.” Al-A‘rāf 7:134
Tafsīr:
Noong tumama sa kanila ang pagdurusa dahil sa mga bagay na ito ay bumaling sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi sa kanya: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinantangi Niya sa iyo na pagkapropeta at sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa iyo na pag-aalis ng parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na alisin Niya sa amin ang tumama sa amin na parusa. Kaya kung aalisin Niya sa amin iyon ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo, talagang magpapadala nga Kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel, at magpapalaya kami sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 133 Susunod Al-A‘rāf • Talata 135