Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 142 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 142 sa 206 • Tagalog


وَوَاعَدْنَا مُوسَىٰ ثَلَاثِينَ لَيْلَةً وَأَتْمَمْنَاهَا بِعَشْرٍ فَتَمَّ مِيقَاتُ رَبِّهِ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَارُونَ اخْلُفْنِي فِي قَوْمِي وَأَصْلِحْ وَلَا تَتَّبِعْ سَبِيلَ الْمُفْسِدِينَ 142
Pagsasalin:
Nakipagtipan Kami kay Moises nang tatlumpong gabi at lumubos Kami sa mga ito sa [pagdagdag ng] sampu, kaya nalubos ang takdang oras ng Panginoon niya sa apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron: “Humalili ka sa akin sa mga tao ko, magsaayos ka, at huwag kang sumunod sa landas ng mga tagatiwali.” Al-A‘rāf 7:142
Tafsīr:
Nakipagtipan si Allāh sa sugo Niyang si Moises para sa pakikipagniigan sa Kanya nang tatlumpong gabi. Pagkatapos binuo ito ni Allāh sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sampu kaya ito ay naging apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron noong nagnais siyang umalis para sa pakikipagniigan sa Panginoon niya: "O Aaron, maging kahalili ka sa akin sa mga tao at magsaayos ka sa nauukol sa kanila sa pamamagitan ng kagandahan ng pamamahala at kalumayan sa kanila. Huwag kang tumahak sa daan ng mga tagatiwali sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at huwag kang maging tagatulong para sa mga tagasuway."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 141 Susunod Al-A‘rāf • Talata 143