Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 156 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 156 sa 206 • Tagalog


وَاكْتُبْ لَنَا فِي هَٰذِهِ الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ إِنَّا هُدْنَا إِلَيْكَ ۚ قَالَ عَذَابِي أُصِيبُ بِهِ مَنْ أَشَاءُ ۖ وَرَحْمَتِي وَسِعَتْ كُلَّ شَيْءٍ ۚ فَسَأَكْتُبُهَا لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَالَّذِينَ هُمْ بِآيَاتِنَا يُؤْمِنُونَ 156
Pagsasalin:
Magtakda Ka para sa amin sa Mundong ito ng isang maganda at sa Kabilang-buhay; tunay na kami ay nagbalik sa Iyo.” Nagsabi Siya: “Ang pagdurusang dulot Ko ay pinatatama Ko sa sinumang niloloob Ko. Ang awa Ko ay sumakop sa bawat bagay kaya magtatakda Ako nito [sa Kabilang-buhay] para sa mga nangingilag magkasala at nagbibigay ng zakāh, at sa kanila na sa mga tanda Namin ay sumasampalataya, Al-A‘rāf 7:156
Tafsīr:
Gawin Mo kaming kabilang sa mga pinarangalan Mo sa buhay na ito sa pamamagitan ng mga biyaya at kagalingan at itinuon Mo sa gawang maayos, at kabilang sa mga pinaghandaan Mo ng Paraiso, kabilang sa mga lingkod Mong maayos, sa Kabilang-buhay. Tunay na kami ay nagbalik-loob sa Iyo at bumalik na mga umaamin sa pagkukulang namin." Nagsabi si Allāh: "Ang parusa Ko ay pinatatama Ko sa sinumang niloob Ko na sinumang gumagawa ng mga kadahilanan ng kamiserablehan. Ang awa Ko ay sumaklaw sa bawat bagay sa Mundo, kaya walang nilikha malibang nakarating nga sa kanya ang awa Ko at pinuspos siya ng kabutihang-loob Ko at paggawa Ko ng maganda. Kaya magtatakda Ako ng awa Ko sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko, [para] sa mga nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila sa mga karapat-dapat sa mga ito, at [para] sa kanila na sa mga tanda Ko ay sumasampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 155 Susunod Al-A‘rāf • Talata 157