Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 169 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 169 sa 206 • Tagalog


فَخَلَفَ مِنْ بَعْدِهِمْ خَلْفٌ وَرِثُوا الْكِتَابَ يَأْخُذُونَ عَرَضَ هَٰذَا الْأَدْنَىٰ وَيَقُولُونَ سَيُغْفَرُ لَنَا وَإِنْ يَأْتِهِمْ عَرَضٌ مِثْلُهُ يَأْخُذُوهُ ۚ أَلَمْ يُؤْخَذْ عَلَيْهِمْ مِيثَاقُ الْكِتَابِ أَنْ لَا يَقُولُوا عَلَى اللَّهِ إِلَّا الْحَقَّ وَدَرَسُوا مَا فِيهِ ۗ وَالدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 169
Pagsasalin:
Saka may humalili, matapos na nila, na mga kahalili na nagmana ng Kasulatan, na kumukuha ng alok ng pinakamababa at nagsasabi: “Magpapatawad sa atin.” Kung may pumunta sa kanila na isang alok na tulad niyon ay kukuha sila niyon. Hindi ba kinuha sa kanila ang kasunduan ng Kasulatan na huwag sila magsabi tungkol kay Allāh maliban ng katotohanan, at nag-aral naman sila ng nasa loob nito? Ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala, kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? Al-A‘rāf 7:169
Tafsīr:
Saka may dumating, nang matapos ng mga ito, na mga alagad ng kasagwaan na humahalili sa mga ito. Kinuha nila ang Torah mula sa mga ninuno nila, na bumibigkas nito at hindi nagsasagawa sa nasaad dito. Kumukuha sila ng masamang tinatamasa sa Mundo bilang panunuhol sa paglilihis nila sa Kasulatan ni Allāh at paghatol ng hindi ayon sa pinababa Niya rito. Nagpapamithi sila sa mga sarili nila na si Allāh ay magpapatawad sa kanila sa mga pagkakasala nila. Kung may pumupunta sa kanila na isang katiting na makamundong tinatamasang ay kinukuha nila ito nang paulit-ulit. Hindi ba gumawa si Allāh ng mga tipan at mga kasunduan sa mga ito, na huwag silang magsabi tungkol kay Allāh maliban ng katotohanan nang walang paglilihis o pagpapalit? Hindi ba nangyaring ang pag-iwan nila sa paggawa ayon sa Kasulatan ay dala ng kamangmangan? Bagkus ito noon ay nasa kaalaman sapagkat nakabasa nga sila ng nasaad dito at nakaalam sila nito, kaya ang pagkakasala nila ay higit na matindi. Ang tahanan sa Kabilang-buhay at ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay na kaginhawahang mamalagi ay higit na mabuti kaysa sa naglalahong tinatamasang iyon para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Hindi ba nakauunawa itong mga kumukuha ng katiting na pakinabang na ito na ang inihanda ni Allāh sa Kabilang-buhay para sa mga nangingilag magkasala ay pinakamabuti at pinakamagtatagal?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 168 Susunod Al-A‘rāf • Talata 170