Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 171 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 171 sa 206 • Tagalog


وَإِذْ نَتَقْنَا الْجَبَلَ فَوْقَهُمْ كَأَنَّهُ ظُلَّةٌ وَظَنُّوا أَنَّهُ وَاقِعٌ بِهِمْ خُذُوا مَا آتَيْنَاكُمْ بِقُوَّةٍ وَاذْكُرُوا مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ 171
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw nila na para bang ito ay isang kulandong at nakatiyak sila na ito ay babagsak sa kanila, [nagsabi si Allāh]: “Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at tandaan ninyo ang nariyan, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.” Al-A‘rāf 7:171
Tafsīr:
Banggitin mo, O Muḥammad, noong binunot Namin ang bundok saka inangat Namin ito sa ibabaw ng mga anak ni Israel noong tumanggi sila sa pagtanggap ng nasa Torah, kaya ang bundok ay naging para bang isang ulap na lumilim sa mga ulo nila, at nakatiyak sila na ito ay babagsak sa kanila. Sinabi sa kanila: "Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may kaseryosohan at determinasyon at isaalaala ninyo ang nariyan na mga patakarang isinabatas ni Allāh para sa inyo at huwag ninyong kalimutan, sa pag-asang mangilag kayong magkasala kay Allāh kapag nagsagawa kayo niyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 170 Susunod Al-A‘rāf • Talata 172