Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 190 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 190 sa 206 • Tagalog


فَلَمَّا آتَاهُمَا صَالِحًا جَعَلَا لَهُ شُرَكَاءَ فِيمَا آتَاهُمَا ۚ فَتَعَالَى اللَّهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ 190
Pagsasalin:
Ngunit noong nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang [anak na] maayos ay gumawa silang dalawa para sa Kanya ng mga katambal kaugnay sa ibinigay Niya sa kanilang dalawa, ngunit napakataas si Allāh higit sa anumang itinatambal nila. Al-A‘rāf 7:190
Tafsīr:
Ngunit noong tumugon si Allāh sa panalangin nilang dalawa at nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang anak na maayos gaya ng ipinanalangin nilang dalawa kay Allāh, gumawa silang dalawa para kay Allāh ng mga katambal kaugnay sa ipinagkaloob Niya sa kanilang dalawa. Nagpangalan silang dalawa sa anak nilang dalawa ng pagkaalipin sa iba pa sa Kanya. Nagpangalan silang dalawa dito ng `Abdul-Ḥārith (Alipin ni Ḥārith), ngunit pagkataas-taas si Allāh at nagpawalang-kinalaman sa bawat katambal sapagkat Siya ay ang namumukod-tangi sa pagkapanginoon at pagkadiyos.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 189 Susunod Al-A‘rāf • Talata 191