Para sa bawat kalipunan ay may taning. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna. Al-A‘rāf 7:34 ⧉
Tafsīr:
Para sa bawat salinlahi at siglo ay may yugto at tipanang naglilimita sa mga taning nila. Kaya kapag dumating ang tipanan nilang itinakda ay hindi sila maaantala roon sa isang panahon kahit kaunti man at hindi sila makapagpapauna roon.