Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] at nagmalaki sa mga ito, ang mga iyon ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. Al-A‘rāf 7:36 ⧉
Tafsīr:
Tungkol sa mga tagatangging sumampalataya na mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin, hindi sumampalataya sa mga ito, at nagmataas dala ng pagkamapagmalaki sa pag-ayaw sa paggawa sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila, tunay na sila ay ang mga maninirahan sa Apoy, ang mga mamamalagi roon, ang mga mananatili roon magpakailanman.