[Magsasabi si Allāh:] Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si Allāh ng awa? [Sasabihin]: “Magsipasok kayo sa Paraiso; walang pangamba sa inyo ni kayo ay malulungkot.” Al-A‘rāf 7:49 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi si Allāh habang naninisi sa mga tagatangging sumampalataya: "Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si Allāh ng awa mula sa ganang Kanya?" Magsasabi si Allāh sa mga mananampalataya: "Magsipasok kayo, O mga mananampalataya, sa Paraiso; walang pangamba sa inyo sa hinaharap ninyo ni kayo ay malulungkot sa anumang nakaalpas sa inyo mula sa mga bahagi sa mundo dahil sa kahaharapin ninyong kaginhawahang mamamalagi."