Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 54 sa 206 • Tagalog


إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ ۗ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ ۗ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ 54
Pagsasalin:
Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Al-A‘rāf 7:54
Tafsīr:
Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad sa anim na araw. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, na hindi tayo nakatatalos sa pamamaraan nito. Nag-aalis Siya ng dilim ng gabi sa pamamagitan ng tanglaw ng maghapon at [nag-aalis] ng tanglaw ng maghapon sa pamamagitan ng dilim ng gabi. Ang bawat isa sa dalawang ito ay humahabol sa isa pa, sa isang mabilis na paghabol yayamang hindi nagpapahuli. Kaya kapag umalis itong isa ay pumapasok yaong isa. Nilikha Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang araw, ang buwan, at ang mga bituin bilang mga sunud-sunuran at mga nakalaan. Pansinin, sa kay Allāh lamang ang paglikha sa kabuuan nito sapagkat sino ang Tagapaglikhang iba pa sa Kanya at sa Kanya ang pag-uutos – tanging sa Kanya. Sumidhi ang kabutihan Niya at dumami ang paggawa Niya ng maganda sapagkat Siya ay ang nailalarawan sa mga katangian ng pagkapinagpipitaganan at kalubusan, ang Panginoon ng mga nilalang.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 53 Susunod Al-A‘rāf • Talata 55