Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 57 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 57 sa 206 • Tagalog


وَهُوَ الَّذِي يُرْسِلُ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَقَلَّتْ سَحَابًا ثِقَالًا سُقْنَاهُ لِبَلَدٍ مَيِّتٍ فَأَنْزَلْنَا بِهِ الْمَاءَ فَأَخْرَجْنَا بِهِ مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ ۚ كَذَٰلِكَ نُخْرِجُ الْمَوْتَىٰ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ 57
Pagsasalin:
Siya ay ang nagsusugo ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa harap ng awa Niya; hanggang sa nang nagdala ang mga iyon ng mga ulap na mabigat ay aakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka magpapababa Kami roon ng tubig kaya magpapalabas Kami sa pamamagitan nito ng lahat ng mga bunga. Gayon Kami magpapalabas ng mga patay, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala. Al-A‘rāf 7:57
Tafsīr:
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagsusugo ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak na ulan, na hanggang sa nang nagdala ang mga hangin ng mga ulap na pinabigat ng tubig ay umakay Siya sa mga ulap tungo sa isang bayang tuyot at nagpababa Siya sa bayan ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan ng tubig ng lahat ng mga uri ng mga bunga. Tulad ng pagpapalabas ng bunga, ayon sa anyong iyon magpapalabas Siya ng mga patay mula sa mga puntod nila bilang mga buhay. Ginawa Niya iyon sa pag-asang kayo, O mga tao, ay magsasaalaala sa kakayahan Niya at kahanga-hanga sa pagkakayari Niya, at na Siya ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 56 Susunod Al-A‘rāf • Talata 58