Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 59 sa 206 • Tagalog


لَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ 59
Pagsasalin:
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: “O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.” Al-A‘rāf 7:59
Tafsīr:
Talaga ngang nagpadala si Allāh kay Noe bilang sugo sa mga kababayan nito, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, saka nagsabi siya sa kanila: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, habang nasa kalagayan ng pagpupumilit ninyo sa kawalang-pananampalataya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 58 Susunod Al-A‘rāf • Talata 60