Saka talagang magtatanong nga Kami sa mga pinagsuguan at talagang magtatanong nga Kami sa mga isinugo. Al-A‘rāf 7:6 ⧉
Tafsīr:
Saka talagang magtatanong nga Kami sa Araw ng Pagbangon sa mga kalipunang pinagsuguan Namin ng mga sugo Namin tungkol sa isinagot ng mga ito sa mga sugo at talagang magtatanong nga Kami sa mga sugo tungkol sa pagpapaabot ng ipinag-utos sa kanila na ipaabot at tungkol sa isinagot sa kanila ng mga kalipunan nila.