Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 79 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 79 sa 206 • Tagalog


فَتَوَلَّىٰ عَنْهُمْ وَقَالَ يَا قَوْمِ لَقَدْ أَبْلَغْتُكُمْ رِسَالَةَ رَبِّي وَنَصَحْتُ لَكُمْ وَلَٰكِنْ لَا تُحِبُّونَ النَّاصِحِينَ 79
Pagsasalin:
Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “O mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo subalit hindi kayo umiibig sa mga tagapagpayo.” Al-A‘rāf 7:79
Tafsīr:
Kaya umayaw si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kalipi niya matapos ng kawalan ng pag-asa sa pagtugon nila. Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi, talaga ngang nagparating ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ni Allāh na ipaabot sa inyo at nagpayo ako sa inyo habang nagpapagusto sa inyo at nagpapahilakbot, subalit kayo ay mga taong hindi umiibig sa mga tagapayong masigasig sa paggabay sa inyo sa kabutihan at pagpapalayo sa inyo sa kasamaan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 78 Susunod Al-A‘rāf • Talata 80