Ang mga gumaan ang mga timbangan nila [ng kabutihan], ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila dahil sila noon sa mga tanda Namin ay lumalabag sa katarungan. Al-A‘rāf 7:9 ⧉
Tafsīr:
Ang mga bumigat sa sandali ng pagtitimbang ang timbang ng mga masagwang gawa nila kaysa sa timbang ng mga magandang gawa nila, ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan sa Araw ng Pagbangon dahilan sa pagtanggi nila sa mga tanda ni Allāh.