Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang pinangangakuan sila Al-Ma‘ārij 70:42 ⧉
Tafsīr:
Kaya pabayaan mo sila, O Sugo, na sumuong sa anumang taglay nila na kabulaanan at pagkaligaw at maglaro sa buhay nilang pangmundo hanggang sa makipagkita sila sa Araw ng Pagbangon na sila dati ay pinangangakuan sa Qur'ān.