Nagsabi sila: ‘Huwag nga kayong mag-iwan sa mga diyos ninyo at huwag nga kayong mag-iwan kay Wadd, ni kay Suwā`, ni kay Yaghūth, ni kay Ya`ūq, ni kay Nasr.’ Nūḥ 71:23 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sila sa mga tagasunod nila: 'Huwag kayong mag-iwan sa pagsamba sa mga diyos ninyo, at huwag kayong mag-iwan sa pagsamba sa mga anito ninyong si Wadd, ni si Suwā`, ni si Yaghūth, ni si Ya`ūq, ni si Nasr.'