Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Nūḥ — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Nūḥ • Talata 28 sa 28 • Tagalog


رَبِّ اغْفِرْ لِي وَلِوَالِدَيَّ وَلِمَنْ دَخَلَ بَيْتِيَ مُؤْمِنًا وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ وَلَا تَزِدِ الظَّالِمِينَ إِلَّا تَبَارًا 28
Pagsasalin:
Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, sa mga lalaking mananampalataya, at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan kundi ng isang pagkapahamak.” Nūḥ 71:28
Tafsīr:
Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko, magpatawad Ka sa mga magulang ko, magpatawad Ka sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, at magpatawad Ka sa mga lalaking mananampalataya at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kundi ng isang kapahamakan at isang kalugihan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Nūḥ • Talata 27 Susunod Al-Jinn • Talata 1