Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Nūḥ — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Nūḥ • Talata 4 sa 28 • Tagalog


يَغْفِرْ لَكُمْ مِنْ ذُنُوبِكُمْ وَيُؤَخِّرْكُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۚ إِنَّ أَجَلَ اللَّهِ إِذَا جَاءَ لَا يُؤَخَّرُ ۖ لَوْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 4
Pagsasalin:
magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at mag-aantala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na ang taning ni Allāh, kapag dumating, ay hindi inaantala, kung sakaling kayo ay nakaaalam.” Nūḥ 71:4
Tafsīr:
Tunay na kayo, kung gagawa kayo niyon, ay magpapatawad si Allāh sa inyo mula sa mga pagkakasala ninyo na hindi nauugnay sa mga karapatan ng mga tao, at magpapahaba Siya sa yugto ng kalipunan ninyo sa buhay hanggang sa isang panahon na natakdaan sa kaalaman ni Allāh. Lalaganap kayo sa lupa hanggat nagpakatatag kayo roon. Tunay na ang kamatayan, kapag dumating, ay hindi inaantala. Kung sakaling kayo ay nakaaalam ay talaga sanang nagdali-dali kayo sa pagsampalataya kay Allāh at pagbabalik-loob mula sa taglay ninyo na pagtatambal at pagkaligaw."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Nūḥ • Talata 3 Susunod Nūḥ • Talata 5