Na kami, noong nakarinig kami sa patnubay [ng Qur’ān], ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumasampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba sa isang pagpapakulang ni isang kabigatan. Al-Jinn 72:13 ⧉
Tafsīr:
Na kami, noong nakarinig kami sa Qur'ān na nagpapatnubay sa siyang pinakaangkop, ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba ng isang kakulangan para sa mga magandang gawa niya ni ng isang kasalanan na idadagdag sa mga kasalanan niyang nauna.