Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh na dumadalangin sa Kanya, halos sila [na mga jinn] sa [pagligid sa] kanya ay nagiging patung-patong.” Al-Jinn 72:19 ⧉
Tafsīr:
Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – habang sumasamba sa Panginoon niya sa loob [ng kakahuyan] ng datiles, halos ang mga jinn ay nagiging mga nagkakapatungan sa kanya dahil sa tindi ng siksikan sa sandali ng pakikinig nila sa pagbigkas niya ng Qur'ān."