Sabihin mo: “Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo o maglalagay para rito ang Panginoon ko ng isang [mahabang] yugto.” Al-Jinn 72:25 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na mga tagapagkaila na ito sa pagbubuhay: "Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo na pagdurusa o mayroon itong taning na walang nakaaalam kundi si Allāh."