Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Jinn — Talata 6 (Tagalog) — Bidyo

Al-Jinn • Talata 6 sa 28 • Tagalog


وَأَنَّهُ كَانَ رِجَالٌ مِنَ الْإِنْسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٍ مِنَ الْجِنِّ فَزَادُوهُمْ رَهَقًا 6
Pagsasalin:
Na noon ay may mga [hamak na] lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn [na demonyo], kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan. Al-Jinn 72:6
Tafsīr:
Na noon sa Panahon ng Kamangmangan ay may mga lalaki ng tao na nagpapakalinga sa mga lalaki ng jinn kapag tumutuloy ang mga ito sa isang lugar na pinangangambahan saka nagsasabi ang isa sa kanila: 'Nagpapakupkop ako sa amo ng lambak na ito laban sa kasamaan ng mga hunghang ng mga kalipi nito,' kaya nadagdagan ang mga lalaki ng tao ng pangamba at hilakbot sa mga lalaki ng jinn.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Jinn • Talata 5 Susunod Al-Jinn • Talata 7