Umalala ka sa ngalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol. Al-Muzzammil 73:8 ⧉
Tafsīr:
Umalala ka kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng pag-alaala, at maglaan ka [ng sarili] sa Kanya sa isang paglalaang may pag-uukol ng kawagasan sa pagsamba sa Kanya.