Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Muddaththir — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Al-Muddaththir • Talata 31 sa 56 • Tagalog


وَمَا جَعَلْنَا أَصْحَابَ النَّارِ إِلَّا مَلَائِكَةً ۙ وَمَا جَعَلْنَا عِدَّتَهُمْ إِلَّا فِتْنَةً لِلَّذِينَ كَفَرُوا لِيَسْتَيْقِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَيَزْدَادَ الَّذِينَ آمَنُوا إِيمَانًا ۙ وَلَا يَرْتَابَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ وَالْمُؤْمِنُونَ ۙ وَلِيَقُولَ الَّذِينَ فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ وَالْكَافِرُونَ مَاذَا أَرَادَ اللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَا يَعْلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَ ۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكْرَىٰ لِلْبَشَرِ 31
Pagsasalin:
Hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban ng mga anghel. Hindi Kami gumawa sa bilang nila malibang bilang pagsubok para sa mga tumangging sumampalataya upang makatiyak ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan, madagdagan ang mga sumampalataya ng pananampalataya, at hindi mag-alinlangan ang mga [Hudyo at mga Kristiyano na] binigyan ng Kasulatan at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga sa mga puso nila ay may sakit at ang mga tagatangging sumampalataya: “Ano ang ninais ni Allāh dito bilang paghahalintulad?” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo kundi Siya. Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga tao. Al-Muddaththir 74:31
Tafsīr:
Hindi gumawa bilang mga tagatanod ng Apoy malibang mga anghel sapagkat walang kakayahan para sa sangkatauhan sa kanila at hindi gumawa sa bilang nilang ito malibang bilang pagsusulit para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh upang magsabi ang mga ito ng sinabi sinabi ng mga ito para mag-ibayo sa mga ito ang pagdurusa, upang magpakatiyak ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kapag bumaba ang Qur'ān bilang tagapagpatotoo sa nasa mga Kasulatan nila, upang madagdagan ang mga mananampalataya ng pananampalataya kapag sumang-ayon sa kanila ang mga May Kasulatan at hindi mag-alinlangan ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga nag-aatubili sa pananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya: "May aling bagay na ninais ni Allāh sa kataka-takang bilang na ito?" Tulad ng pagliligaw sa tagapagkaila ng bilang na ito at kapatnubayan ng tagapagpatotoo nito, nagliligaw si Allāh sa sinumang niloob Niya na iligaw at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloob Niya na patnubayan. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo sa dami ng mga ito kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang iba ang Apoy kundi isang pagpapaalaala para sa Sangkatauhan, na malalaman nila dahil doon ang kadakilaan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Muddaththir • Talata 30 Susunod Al-Muddaththir • Talata 32