Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang mapagtangging magpasalamat. Al-Insān 76:24 ⧉
Tafsīr:
Kaya magtiis ka sa anumang inihahatol ni Allāh sa isang pagtatakda o sa isang batas, at huwag kang tumalima sa isang nagkakasala sa anumang inaanyaya nito na kasalanan ni sa isang tagatangging sumampalataya sa anumang inaanyaya nito na kawalang-pananampalataya.