[Sinasabi nila sa mga sarili]: “Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat. Al-Insān 76:9 ⧉
Tafsīr:
Ipinagtatapat nila sa mga sarili nila na sila ay hindi nagpapakain sa mga iyon malibang para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh sapagkat hindi sila nagnanais mula sa mga iyon ng isang gantimpala ni isang pagbubunyi dahil sa pagpapakain nila sa mga iyon.