[Banggitin] noong bumabalot Siya sa inyo ng pagkaantok bilang katiwasayan mula sa Kanya at nagbababa Siya sa inyo mula sa langit ng tubig upang magdalisay Siya sa inyo sa pamamagitan nito at mag-alis Siya sa inyo ng udyok ng demonyo at upang magpatibay Siya sa mga puso at magpatatag Siya sa pamamagitan nito ng mga paa. Al-Anfāl 8:11 ⧉
Tafsīr:
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, noong nagpupukol si Allāh ng pagkaantok sa inyo bilang katiwasayan mula sa nangyari sa inyo na pangamba sa kaaway ninyo, at nagbababa Siya sa inyo ng ulan mula sa langit upang magdalisay Siya sa inyo mula sa mga karumihan at mag-alis Siya sa inyo ng mga sulsol ng demonyo, upang magpatatag Siya sa pamamagitan nito sa mga puso ninyo dahil sa pagpapakatatag ng mga katawan ninyo sa sandali ng pakikipagkita [sa kaaway], at upang magpatatag Siya sa pamamagitan nito sa mga paa sa pamamagitan ng pagsisiksik sa lupang mabuhangin upang hindi lumubog dito ang mga paa.