Iyon ay dahil sila ay nakipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa. Al-Anfāl 8:13 ⧉
Tafsīr:
Ang nagaganap na iyon sa mga tagatangging sumampalataya na pagkapatay at pagkataga ng mga paa't kamay ay dahil sila ay sumalungat kay Allāh at sa Sugo Niya sapagkat hindi sila sumunod sa ipinag-utos sa kanila at hindi sila huminto sa isinaway sa kanila. Ang sinumang sumasalungat kay Allāh at sa Sugo Niya kaugnay roon, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa sa kanya sa Mundo sa pamamagitan ng pagpatay at pagbihag at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng Apoy.