Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 19 sa 75 • Tagalog


إِنْ تَسْتَفْتِحُوا فَقَدْ جَاءَكُمُ الْفَتْحُ ۖ وَإِنْ تَنْتَهُوا فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَإِنْ تَعُودُوا نَعُدْ وَلَنْ تُغْنِيَ عَنْكُمْ فِئَتُكُمْ شَيْئًا وَلَوْ كَثُرَتْ وَأَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُؤْمِنِينَ 19
Pagsasalin:
[O mga tagatangging sumampalataya,] kung humihiling kayo ng pasya ay dumating na sa inyo ang pasya. Kung titigil kayo, ito ay mabuti para sa inyo. Kung manunumbalik kayo [sa pagkalaban] ay manunumbalik Kami [pagtalo sa inyo] at hindi makapagdudulot sa inyo ang pangkatin ninyo ng anuman kahit pa man dumami ito. Si Allāh ay kasama sa mga mananampalataya. Al-Anfāl 8:19
Tafsīr:
Kung humihiling kayo, O mga tagapagtambal, na magpaganap si Allāh ng parusa Niya at pinsala Niya sa mga tagalabag sa katarungan na mga nangangaway ay nagpaganap nga si Allāh sa inyo ng hiniling ninyo sapagkat nagbaba Siya sa inyo ng naging isang parusang panghalimbawa para sa inyo at isang pangaral sa mga tagapangilag magkasala. Kung magpipigil kayo sa paghiling niyon, iyon ay mabuti para sa inyo sapagkat marahil nagpalugit Siya sa inyo at hindi nagmadali sa paghihiganti Niya sa inyo. Kung manunumbalik kayo sa paghiling niyon at sa pakikipaglaban sa mga mananampalataya ay manunumbalik Siya sa pagpapaganap ng pagdurusa sa inyo at sa pag-aadya sa mga mananampalataya. Hindi magdudulot sa inyo ang pangkat ninyo ni ang mga tagaadya ninyo kahit pa man marami ang bilang at ang kasangkapan sa kabila ng kakauntian ng mga mananampalataya. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-aadya at pagsuporta. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya, walang mananaig sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 18 Susunod Al-Anfāl • Talata 20