Kung tatalikod sila [sa utos sa kanila], alamin ninyo na si Allāh ay Pinagpapatangkilikan ninyo. Kay inam na Pinagpapatangkilikan at kay inam na Mapag-adya. Al-Anfāl 8:40 ⧉
Tafsīr:
Kung babaling sila palayo sa ipinag-utos sa kanila na pagtigil sa kawalang-pananampalataya at pagsagabal sa landas ni Allāh ay tiyakin ninyo, O mga mananampalataya, na si Allāh ay Tagaadya ninyo laban sa kanila. Kay inam na Tagatangkilik para sa sinumang nakipagtangkilikan Siya at kay inam na Tagaadya para sa sinumang inadya Niya. Ang sinumang tinangkilik Niya ay magtatagumpay at ang sinumang iniadya Niya ay magwawagi.