Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 46 sa 75 • Tagalog


وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَلَا تَنَازَعُوا فَتَفْشَلُوا وَتَذْهَبَ رِيحُكُمْ ۖ وَاصْبِرُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ مَعَ الصَّابِرِينَ 46
Pagsasalin:
Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong maghidwaan para maduwag kayo at maalis ang lakas ninyo, at magtiis kayo. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis. Al-Anfāl 8:46
Tafsīr:
Manatili kayo sa pagtalima kay Allāh at pagtalima sa Sugo Niya sa mga sinasabi ninyo, mga ginagawa ninyo, at lahat ng mga kalagayan ninyo. Huwag kayong magkaiba-iba sa pananaw sapagkat ang pagkakaiba-iba ay isang kadahilanan ng paghina ninyo, pagkaduwag ninyo, at pagkawala ng lakas ninyo. Magtiis kayo sa sandali ng pakikipagkita sa kaaway ninyo. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis sa pamamagitan ng pag-aadya, pag-alalay, at tulong. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya, siya ay ang mananaig at ang magwawagi nang walang pasubali.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 45 Susunod Al-Anfāl • Talata 47