Gaya nang nagpalabas sa iyo ang Panginoon mo mula sa bahay mo ayon sa katotohanan at tunay na ang isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya ay talagang mga nasusuklam, Al-Anfāl 8:5 ⧉
Tafsīr:
Gaya nang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nag-alis mula sa inyo ng bahagi ng mga nasamsam sa digmaan matapos ng pagkakaiba-iba ninyo sa paghahati ng mga ito, paghihidwaan ninyo sa mga ito, at pagtatalaga sa mga ito sa Kanya at sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – gayon din naman, nag-utos Siya sa iyo, O Sugo, ng paglabas mula sa Madīnah para makipagharap sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng isang pagkakasi na pinababa Niya sa iyo sa kabila ng pagkasuklam doon ng isang pangkatin kabilang sa mga mananampalataya.