Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 58 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 58 sa 75 • Tagalog


وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِنْ قَوْمٍ خِيَانَةً فَانْبِذْ إِلَيْهِمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْخَائِنِينَ 58
Pagsasalin:
Kung mangangamba ka nga naman sa mga tao ng isang pagtataksil ay ibato mo sa kanila [ang kasunduan upang maging] ayon sa pagkakapantay. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga taksil. Al-Anfāl 8:58
Tafsīr:
Kung sa mga taong nakipagkasunduan ka ay nangamba ka, O Sugo, ng isang pandaraya at pagsira sa kasunduan dahil sa isang palatandaang lumilitaw sa iyo, magpaalam ka sa kanila ng pagtapon sa kasunduan sa kanila upang pumantay sila sa iyo sa kaalaman hinggil doon. Huwag kang mambigla sa kanila bago ng pagpapaalam sa kanila sapagkat ang pambibigla sa kanila bago ng pagpapaalam sa kanila ay kabilang sa kataksilan. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga taksil, bagkus namumuhi Siya sa kanila, kaya mangilag ka sa kataksilan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 57 Susunod Al-Anfāl • Talata 59