Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 60 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 60 sa 75 • Tagalog


وَأَعِدُّوا لَهُمْ مَا اسْتَطَعْتُمْ مِنْ قُوَّةٍ وَمِنْ رِبَاطِ الْخَيْلِ تُرْهِبُونَ بِهِ عَدُوَّ اللَّهِ وَعَدُوَّكُمْ وَآخَرِينَ مِنْ دُونِهِمْ لَا تَعْلَمُونَهُمُ اللَّهُ يَعْلَمُهُمْ ۚ وَمَا تُنْفِقُوا مِنْ شَيْءٍ فِي سَبِيلِ اللَّهِ يُوَفَّ إِلَيْكُمْ وَأَنْتُمْ لَا تُظْلَمُونَ 60
Pagsasalin:
Maghanda kayo para sa kanila ng nakaya ninyo na anumang lakas at anumang mga kawan ng mga kabayo na magpapangilabot kayo sa pamamagitan ng mga ito sa kaaway ni Allāh, kaaway ninyo, at mga iba pa bukod pa sa kanila na hindi kayo nakaaalam sa kanila samantalang si Allāh ay nakaaalam sa kanila. Ang anumang ginugugol ninyo na bagay ayon sa landas ni Allāh ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] habang kayo ay hindi nilalabag sa katarungan. Al-Anfāl 8:60
Tafsīr:
Maghanda kayo, O mga mananampalataya, ng anumang nakaya ninyo sa paghahanda ng tauhan at kasangkapan gaya ng panudla. Maghanda kayo para sa kanila ng ikinural ninyo na mga kabayo ayon sa landas ni Allāh, na ipakakaba ninyo sa mga kaaway ni Allāh at mga kaaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na nag-aabang sa inyo ng mga kasawian, at ipakakaba ninyo sa ibang mga tao. Hindi kayo nakaaalam sa kanila at hindi kayo nakaaalam sa ikinukubli nila para sa inyo na pagkamuhi. Bagkus si Allāh lamang ay ang nakaaalam sa kanila at nakaaalam sa ikinukubli nila sa mga sarili nila. Ang ginugugol ninyo na yaman, kaunti man o marami, ay magpapalit nito si Allāh sa inyo sa Mundo at magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala Niya nang kumpleto nang walang ibinawas sa Kabilang-buhay, kaya magdali-dali kayo sa paggugol sa landas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 59 Susunod Al-Anfāl • Talata 61