Kaya kumain kayo mula sa nasamsam ninyo [sa digmaan] bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Anfāl 8:69 ⧉
Tafsīr:
Kaya kumain kayo, O mga mananampalataya, mula sa nakuha ninyo mula sa mga tagatangging sumampalataya mula sa isang samsam [sa digmaan] sapagkat ito ay ipinahihintulot para sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, Maawain sa kanila.