Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 7 sa 75 • Tagalog


وَإِذْ يَعِدُكُمُ اللَّهُ إِحْدَى الطَّائِفَتَيْنِ أَنَّهَا لَكُمْ وَتَوَدُّونَ أَنَّ غَيْرَ ذَاتِ الشَّوْكَةِ تَكُونُ لَكُمْ وَيُرِيدُ اللَّهُ أَنْ يُحِقَّ الْحَقَّ بِكَلِمَاتِهِ وَيَقْطَعَ دَابِرَ الْكَافِرِينَ 7
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nangangako sa inyo si Allāh ng isa sa dalawang pangkatin, na ito ay ukol sa inyo, at nag-aasam kayo na ang walang taglay na sandata ay magiging para sa inyo samantalang nagnanais si Allāh na magtotoo sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya at pumutol sa ugat ng mga tagatangging sumampalataya Al-Anfāl 8:7
Tafsīr:
Banggitin ninyo, O mga mananampalatayang nakikipagtalo, noong nangangako sa inyo si Allāh na magiging para sa inyo ang magwagi sa isa sa dalawang pangkatin ng mga tagapagtambal. Ito ay alin sa dalawa: ang karaban at ang dinadala nito na mga yaman kaya makakukuha kayo nito bilang samsam sa digmaan, o ang pagpunta sa labanan kaya makikipaglaban kayo sa kanila at magwawagi kayo sa kanila. Naiibigan ninyo mismo na manaig kayo sa karaban dahil sa kadalian ng pagsamsam dito at kagaanan nito nang walang pakikipaglaban. Nagnanais si Allāh na magtotoo sa katotohanan sa pamamagitan ng pag-uutos sa inyo ng pakikipaglaban upang mapatay ninyo ang mga magiting ng mga tagapagtambal at makabihag kayo ng marami sa kanila upang lumitaw ang lakas ng Islām.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 6 Susunod Al-Anfāl • Talata 8