Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 75 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 75 sa 75 • Tagalog


وَالَّذِينَ آمَنُوا مِنْ بَعْدُ وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا مَعَكُمْ فَأُولَٰئِكَ مِنْكُمْ ۚ وَأُولُو الْأَرْحَامِ بَعْضُهُمْ أَوْلَىٰ بِبَعْضٍ فِي كِتَابِ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ 75
Pagsasalin:
Ang mga sumampalataya matapos na niyan, lumikas, at nakibaka kasama sa inyo, ang mga iyon ay kabilang sa inyo. Ang mga may mga ugnayang pangkaanak, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] sa atas ni Allāh. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. Al-Anfāl 8:75
Tafsīr:
Ang mga sumampalataya nang matapos ng pananampalataya ng mga nauuna sa Islām kabilang sa mga lumikas at mga tagapag-adya, lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa, ang mga iyon ay kabilang sa inyo, O mga mananampalataya. Ukol sa kanila ang ukol sa inyo na mga karapatan at para sa kanila ang para sa inyo na mga tungkulin. Ang mga may kaugnayang pangkamag-anak, ayon sa patakaran ni Allāh, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba pa sa pamana kaysa sa pagmamanahan ayon sa pananampalataya at paglikas, na dati ay naunang umiiral. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sapagkat Siya ay nakaaalam sa naaangkop para sa mga lingkod Niya kaya nagsasabatas Siya para sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 74 Susunod At-Tawbah • Talata 1