Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 9 sa 75 • Tagalog


إِذْ تَسْتَغِيثُونَ رَبَّكُمْ فَاسْتَجَابَ لَكُمْ أَنِّي مُمِدُّكُمْ بِأَلْفٍ مِنَ الْمَلَائِكَةِ مُرْدِفِينَ 9
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo, [na nagsasabi]: “Tunay na Ako ay mag-aayuda sa inyo ng isang libo mula sa mga anghel na mga nagkakasunud-sunod.” Al-Anfāl 8:9
Tafsīr:
Banggitin ninyo ang Araw ng Badr nang humingi kayo ng saklolo mula kay Allāh sa pagwawagi laban sa kalaban ninyo, kaya tumugon si Allāh sa inyo na Siya ay mag-aayuda sa inyo, O mga mananampalataya, at tutulong sa inyo sa pamamagitan ng isang libo mula sa mga anghel na mga nagkakasunuran, na sumusunod ang isa't isa."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 8 Susunod Al-Anfāl • Talata 10