Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Burūj — Talata 10 (Tagalog) — Bidyo

Al-Burūj • Talata 10 sa 22 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ فَتَنُوا الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ ثُمَّ لَمْ يَتُوبُوا فَلَهُمْ عَذَابُ جَهَنَّمَ وَلَهُمْ عَذَابُ الْحَرِيقِ 10
Pagsasalin:
Tunay na ang mga umusig sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob, ay ukol sa kanila ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa ng pagsusunog. Al-Burūj 85:10
Tafsīr:
Tunay na ang mga nagpahirap sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa pamamagitan ng apoy upang magpabaling sa mga iyon palayo sa pananampalataya kay Allāh lamang, pagkatapos hindi sila nagbalik-loob kay Allāh mula sa mga pagkakasala nila, ay ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ang pagdurusa sa Impiyerno at ukol sa kanila ang pagdurusa sa Apoy na susunog sa kanila, bilang ganti sa ginawa nila sa mga mananampalataya na pagsunog sa apoy.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Burūj • Talata 9 Susunod Al-Burūj • Talata 11